Friday, July 22, 2011

Wow pare chicks oh


Chicks

Chiks

Maraming klase ng chicks.

may mga Chicks na chicks.

may mga Matatabang chicks

may mga Simpleng chicks

may mga Nerd chicks

at marami pang iba

pero bakit nga ba tinawag na "chicks" ang mga babae, lalaong lalo na ang mga sexy at may mala bote ng coke ang katawan? pwede namang Coke o kaya Bote ang itawag sa mga sexy na babae na yun.

pero

bakit nga ba Chicks?

hindi ba nakakaoffend sa mga babae na konserbatibo ang tawagin silang "Chicks"?

pero diba nakasanayan nadin naman natin na tawaging chicks ang mga babaeng sexy. pero matatawag mo bang chicks yung mga pang biggest loser ang dating? yung tipong walo walo ang curves sa katawan ni ate at naka tube pa at nangingitim pa ang kilikili?

meron naman na konsepto na "maganda siya pero hindi siya chicks".

so pag sinabing chicks ka, medyo hindi karesperespeto ang dating?

malimit kasi ng sabihan ng chiks ay yung mga babaeng makikinis ang mga binti at malalaki ang kanilang mga hinaharap.


pero san nga ba nagsimula ang salitang Chicks?


ayon sa internet ang salitang chicks ay tinatawag na Spanglish na term na ang ibig sabihin ay "Chica"

ayun. pero diba prang ang conyo ng dating, pero kung ating susuriin ang chica nga ay talagang spanish na word na ang ibig sabihin ay babae.

pero maiba ako, may kaibigan ako, isang kagalang galang na babae ang pangalan niya ay Kathrine at meroon siyang theory

ito ay ang

CHASS theory.

kung saan kaya daw tinawag na chicks ang babae dahil sa kanilang malalaking puwetan. dahil ang mga manok ay malalaki ang kanilang mga puwetan. at sa kanilang pag lakad, may dating ito na medyo sexy ang lakad.


may sense ang theory na ito.

pero mabalik tayo, ang chicks ba ay para lang sa mga babaeng sexy at mala coke na bote ang katawan?

ikaw ba mahilig ka ba sa chicks?

marami ka bang kakilalang chicks?

kung babae ka, gusto mo ba na tinatawag ka na chicks?

at pag sinabi ba na chicks ka, ikaw ba yung tipo na haliparot na babae pwedeng maging karakter sa isang indie film na pang cannes?

yung karakter na Prostitute dahil yun naman ang laging misconception ng isang tao pag sinabing indie film diba?

ang indie film ay malimit may, bakla o bading, may konsepto ng kahirapan, mga pokp*k at kung ano ano pa.

masarap daw ang chicks,

Chicks

siguro pag nagkaroon ako ng girlfriend hindi ko siya tatawaging "chicks". ewan ko, wala naman kasi siyang pakpak o biik eh.

hay nako,

makahanap nga ng chicks at baka makajockpot pa ako. hihigupin ko muna yung sabaw niya saka ko kakainin yung chicks sa balut.

Sunday, July 17, 2011

Pila ng Inang Yan

"Patience is a Virtue"

ang virtue di ko alam kung ano yan. pero lagi ko yan naririnig pag nagaantay ako.


aminin natin, nakakapagod ding magantay.

tulad ng traffic.

mapapamura ka sa sobrang tagal.

kung hindi "mabagal" sasabihin mo "nakakainip" o kaya namay "Bulok na sistema"

Pila sa jollibee

Pila sa Mcdo

Pila sa CR

Pila sa Atm

Pila sa Banko

Pila sa NBI

Pila sa DFA

Pila sa Auditions

Pila sa Bar

Pila sa Komyunyon

Pila sa MRT

Pila sa Eat Bulaga

Pila sa Showtime

Pila sa Wiltime bigtime

Pila sa Puso mo..(ayeee)

Puny*ta ang nakakakinis pa dito ay yung maiipit ka sa mga anghit at malaimbornal na amoy ng mga katabi mo. Mabaho pa sa lahi ng mga naka motor na naka turban at nagbbenta ng DVD o kaya aalukin ka ng sirang elektrik fan na ang tatak ay AYWA.

naligo ka naman kanina

pero pag naipit ka na... goodbye my darling smell. Pakiramdam ko di na ako lalapitan ng mga dyosa na nahulog sa langit matapos kong gumamit ng Axe.

siyempre pag sinabi mong pila hindi mawawala yung mga hudas na mga sumisingit sa pila at pag sinita mo sila, sila pa yung agrabyado.

Tipong mga ganito:

Man1:“Brad dito ka nakapila? Kanina pa ako dito ngayon lang kita nakita!”

Man2:"Kanina pa ako dito, nagCR lang ako"

Man1:“umayos nga kayo ng pila niyo. sumingit lang kayo eh”

Man2: “eh kanina pa nga ako dito nagCR nga lang ako!”

Man1: P*t*ng*na mo ah! Kami dito nagpapakahirap pumila tapos ikaw sisingit lang??!

Singit.

kung hindi mabaho at maasim, eto yung mga nakakainis.

Parang kontrabida sa isang palabas. Alikabok sa bahay, libag sa leeg, asungot na propesor, salabaheng bata. At ayun na nga, ang mga asungot na di mawalawala sa atin. Ang mga singit.

Mapa jeep man o taxi, o yung nakakainis na driver ng motorsiklo sa gitna ng traffic, sisingit sila sa butas na masikip. Parang dragon na nakakita ng liwanag sa isang sulok, sisingit sila na parang walang bukas.

Pero aminin, sa tala ng buhay mo sumingit ka narin diba? Sigurado ako napangiti ka ngayun at inalala mo kung saang Jollibee o mcdo ka na pumila at sumingit dahil ang baga g nasa cashier, pero teka ang bagal pumili ng nasa harapan mo eh. Kulang nalang sabihan mo ng “tsong, may nakapila sa likod, ano ka? HARI?”

So mabalik tayo.

PILA

Kung ating hihimayin, ang pila ay isang salita na ibig sabihin ay “sumunod sa isang maayos na linya.”

Pwede din na acronym

PILA

Please Investigate Lines Ahead

O

Paki Ingatan ang Linya, Ayus?

O

Prevent Insanity, Line Across

O

Puny*ta Iayos ang Linya mga Abnoy!

O

P*ta Isang Linya lang, Assh*les

Akoy nagsisintimyento sa pila dahil naging biktima ako nito ng nakaraang mga araw at naubos na yata ang pasensya ko.

Kulang nalang mag ala Mr. Hyde ako sa inis.

Lalong lalo na sa NBI. O ang Nakanampuchang Bangis Ito.

Halos dalawang araw akong nakapila kasama ang 2 kong magagandang kaibigan (chiks sila), tapos malas ko lang ay may kapangalan pa ako. Mukang may kapangalan akong sindekato na nagbebenta ng Stones.

Kaya pinabalik pa ako matapos ang 7 araw. At akoy nakawitness nanaman ng pila.

Lahat tayo pumipila para maabot natin ang gusto natin, minsan iniisip ko nakanino ba ang problema?

Nasa atin bang mabubuting mamamayan na pumipila?

O

Duon sa pinipilahan natin?

O

Duon sa mga gamit nila kasi di hi-tech.

O

O unggoy lang yung nasa counter at sige lang ang pindot nito kaya antagal talaga.

Napakalaking misteryo pa din ang pila para sa akin.

So ano nga ba ang sulusyon ng pila?

Pumila ng maayos?

Pumila ng tahimik?

Huwag sumingit?

Sa Pila palang malalaman mo na kung ano ang ugali ng tao eh,

Mainipin ba ito

Masungit

Maarte

Tamad

Antukin

Lahat na. lahat na.

Alam niyo may pobya na ako sa pila eh.

Dahil nakakatrauma talaga yung sa NBI

Buti nalang sa ilalim ng lupa yun, kasi kung sa ibabaw siguro parang pinipritong itlog na ako.. ang oily pa naman ng nose ko. Parang golden fry.


o pano pipila pa ako.


mamaya may sara duterte sa pila at mabigyan pa ako ng Duterte Punch pag napagkamalang sumisingit ako.


pero eto ang ibibigay ko sa kanila


Sunday, July 3, 2011

Duterte Punch



Mayor Sara Duterte, kilabot ng Davao

1 - 2 punch.

solido.

parang Million Dollar Baby lang ang nakita ko last week sa balita.

"Duterte Punch"

defined as a 2 punch phenomena where in you will have the ability to bruise a sheriff in the eye and thus resulting in a black-eye.

minsan naisip ko di na uso ang diplomatic solution pag dating sa mga bagay na di magkaintindihan.

onting away sapak.
onting argumento sapak.
onting di pag kakaintindihan sapak.
onting shit sapak.
nakita mo mukha ni beiber, sapak.
nainis ka lang, sapak.
tumaas ang boses mo, sapak.

akala ko sila Congressman Manny Pacman Pacquiao lang at si Chuck Norris ang may karapatan na gawing punching bag ang mukha ng isang nilalang.

pero nagkakamali ako.

akala ko nga kung sinong bouncer yung nanapak dun sa lalaking naka polo na checkered eh, yun pala babae na brusko. magaling. nakalagay ang taya ko sa kanya.

jusko

halimaw sa banga eh.

akala ko si optimus at si megatron.

akala ko si goku at si majin boo

akala ko fight club.

akala ko UFC.

akala ko sabungan.

akala ko underground fighting in the Philippines

yun pala Political Fight Club

Duterte Punch, masarap na panakot sa mga nanakot sayo, pwede ng ipanakot to sa mga sindekato, o kaya sa mga nagbebenta ng pirated dvd sa quaipo.

wala na akong masabi pero natuwa lang ako sa sinabi ng idol kong si Lourd De Veyra

"Sana mas marami pang sapakan sa politika. Ang corny-corny na ng lecheng due process at rule of law na yan. Lagi na lang sinasabi, hindi rin naman nangyayari."

oo nga naman. oo nga naman. atlis dito may nagyari.

kudos Mayor. pag may onting problema gagayahin kita.

Sara Duterte : Tunay na Lalaki