1. MUG. ang malimit na nakatatanggap nito ay ang mga guro, propesor, guardya, magulang, empleyado at mga adik lang naman sa kape. minsan may drawing pa ito ng snowman, sulat na "merry christmas", happy birthday....jesus. at mukha ni satan... ay este santa.
2. SALAWAL o UNDERWEAR. kung hindi pink o flesh ang ibibigay sa iyong kulay malimit naman puti. 50-50 ang chance na tama ang sukat nito sayo. maswerte ka na kung makakatanggap ka ng neon orange na kulay. gaya ng suot ko ngayun.
3.T-SHIRT. kung hindi statement shirt ang ibibigay sa iyo. baka naman yung mumurahin na damit mula sa sm ang matanggap mo. pero gaya ng underwear asahan mo na mas malaki o kaya mas maliit sayo ang t-shirt dahil wala naman talaga sa plano na regaluhan ka.
may tawag dun eh. impulse buying na kung saan magugulat ka nalang kasi bigla mo nalang makikita sa listahan yung pangalan niya. badtrip no?
4. STUFFED TOYS. kailan ka ba huling nakatanggap nito? nung High School ako usong uso tong ang bigayan ng stuffed toys. kasi nga, sweet.. ang cute cute..
Ngayon, kung alam lahat ng tao na kikay ka, alam mo na kung bakit ka bibigyan nito. di masama na makatanggap nito ay babae, pero pag lalaki.. tsong, magdududa na ako.
5.PAGKAIN o FOOD. resulta to ng pagmamadali lalo na pag gabi na o kaya namay wala ng mapili. kung hindi mamon o cake sa Red Ribbon, Polvoron o Macaroon sa Goldilocks, pwedeng Ham o Fruitcake mula sa isang chinese store sa Binondo ang pwede mong ibigay.
Isang aspekto sa pag-uugali ng mga tao na kung saan ang pagkain ang kanilang escape route o last resort ng mangreregalo ito. aminin na nating lahat na di mo pwedeng pabayaan ang pagkain sa lamesa kasi mapapanis.

6.PICTURE FRAME WITH THE PICTURE OF THE GIVER. minsan pakapalan nalang talaga ng mukha. as in makapal talaga ang mukha.
7. SOAP, SHAMPOO, COLOGNE, DEODORANT AND LOTION. minsan may gusto lang talaga silang iparating eh. kumbaga concerned lang.
8. CD or DVD. para hindi naman nakakahiya bumibili nalang sila ng original na lumang album nila aiza siguera, aprilboy atbp. mula sa isang bargain sale sa astrovision, music one at odyssey tapos lalagyan ito ng sulat at kunwari dedicated sa kanila yung kanta.
you wish.
ikaw ba gumawa ng album?
9. KEYCHAIN. sinasabi nila na maaalala mo sila dahil daladala mo ito palagi. pero sorry, di ko talaga maisip kung saan ko ilalagay ang Minnie Mouse na keychain na to.
10. TXT NA "MERRY CHRISTMAS!!! NEXT YEAR NALANG YUNG GIFT KO, SORRY AH."
ah ok.
sige.
i understand. pero naman, bakit mo pa sinabi na magreregalo ka next year? close?
di na tayo friends.
sabi nga nila it's the thought that counts.
Thought.
"Its the act of thinking"
pero pano pag sinabihan lang siya na batiin ka?
aray.
kaya ako, lalantakan ko nalang yung strawberry icecream sa ref.
sana di ako makatanggap ng mga ganyan sa pasko. pero wala naman yata magreregalo sa akin eh.
-E
No comments:
Post a Comment