Tuesday, March 29, 2011

Dito na me... wer na u?: Most annoying txt messages.

BADTRIP.

Eto ang salitang mamumutawi sa iyong bibig kapag nakatanggap ka ng mga mensahe sa iyong cellphone na hindi mo natripan.

sa panahon ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nating matanggap ang mga ganitong mensahe kung saan ano pa nga ba ang sasabihin mo pag natanggap mo ito.

narito ang listahan ng mga mensahe o txt messages na sigurado akong kinaiinisan mo kapag natatanggap mo ito.




1. "K." - makatanggap nito ok lang, pero kasi alam mo na yung sense na "OK. shit ka. tumigil ka na kakatxt" tipong ok na tama na. pero kung tutuusin eto ang pinaka ginagamit na salita sa txt. o diba? OK!


2. "Ahh"- ahhhh... ang klase ng txt na ito ay aplikable lang kapag may ikinukwento ka sa isang tao at di pa tapos. pero masama lamang dito ay mahaba na ang txt mo at parang nobela ang isasagot lang nila ay ito.


2.2 "Ahh. Ok"- eto ang tinatawag na TEXT HYBRID kung saan ang pinaka nakakainis na txt ay naghalo.


3. "Sige" - Ito ay tinagalog na OK na hinango pa sa salitang "See" "Go" NGUNIT. kalokohan lang yun. kapag nakatatanggap ako nito, ok lang naman pero kasi minsan parang mediocre ang dating eh.

4. GM o Group Message na nobela. - minsan di ko na binabasa eh. pinipindot ko kaagad ang delete.


5. GM o Group Message na nagsasabi kung saan sila. - Dude, di kita girlfriend, o teka di ka naman namin girlfriend bakit kailangan saibhin mo sa txt mo kung nasaan ka? magpapahanap ka yata. yaan mo pag nakuha ko number ng magulang mo, ittxt ko sila lalo na pag nasa dA FoRtZ ka at gumigimik lang.


6. Any GM o Group Message na Jejemon style- Self Explanatory.


7. GM o group message na Journal type - "Im so sad today" "sometimes i wish i was invisible"so sandali, bakit kailangan pa namin malaman ang pinag gagagawa mo sa buhay mo? ano ba kami? diary mo? pero feeling ko gusto lang nila yung tipo na "Ui bakit anung nangyari?" pero di sila magrereply.. parang G**o lang.

8. Txt na Demanding. - Eto yung mga txt na talagang nakaksira ng araw ko. kung may kailangan ka, sabihin mo ng maayos. kaya nga inimbento ang mga salitang "Please" "Thank you" "Pasuyo". di ka naman mamatay pag ginamit mo yan... similar dito ang TXTBCK ASAP sa no. 9.

9.TXTBCK ASAP - wait lang ah, demanding ka na nga nagmamadali ka pa... anong problema mo? sunugin ko bahay mo eh.

10. Dito na me. Wer na u? - sa totoo lang bihira lang ako makatanggap nito pero pusa naman na tinanggalan ng mata oh, ang korni eh.


pero sa txt kahit gaano pa kahaba yan at kamali ang grammar, its the thought that counts...

sabi nga ng idol kong si Manny




o diba.



K.TNX.BYE


No comments: