Friday, September 23, 2011

Ang Mga Bata Ngayon






Ang sweet nila no?






Dahil masyado na yatang mabilis ang ikot ng mundo ngayon,


unti unti na yatang nagiging barbaryo ang mga bata ngayon sa Pilipinas.




kung hindi may namaril, may nagpakamatay.


kung hindi may nangrape, may nagnakaw.


ano ba to? 


epekto ng mga palabas? 
epekto ng mga Wrestling o UFC?
epekto ng mga palabas ni Robin?
epekto ng gutom?
o
epekto ng pagod?
epekto ng spatacus o 300?


masyadong magulo na yata to.


diyos ko po.






naalala ko nung bata ako, mahilig din naman ako manood ng mga palabas na may sapakan, barilan, saksakan at kung ano ano pa, gusto ko din yung mga palbas na mabibilis yung mga tao magnakaw, kasi astig lang... minsan nga iniisip ko na manghadouken din eh kaso mukhang di yata ako biniyayaan ng angking kakayahan.


napapanood ko pa dati sila FPJ kung pano niya banatan si Paquito Diaz, o kaya naman pag nakikita ko ang mga kantahan nila Dolphy sa beach sabay biglang kikidnapin si Camille Prats sabay susugod sila Dolphy sa isang warehouse, na kung saan duon dinala si Camille Prats ng mga sindekato, at sabay may barilan at maatikabong bakbakan hanggang sa makuha nila yung bata, saka naman dadating ang mga pulis kung saan napulbos na ng mga bida ang mga kaaway.


napanood ko din naman ang mga War films kagaya ng Enemy At The Gates, Saving Private Ryan at kung ano ano pa na minsay pinangarap ko ring maging sundalo.... kaso umurong ako kasi baka mamaya torturin ako sa academy eh.


Nauso din ang Mortal Kombat at Street Fighter. di lang sila sa mga consoles makikita kundi sa mga palabas na din.


Kunin narin nating halimbawa ang mga palabas na may bakbakan tlaga sa states... Fight Club... ano pa ba? pasensya na favorite ko talaga ang Fight Club eh. macho ni Brad pit dun brad.


sa panahon na nauso ang Ray Gun ni Eugene o kaya naman ang Kameha Meha ni Goku, di mawawala ang suntukan at sapakan sa kanilang mga eksena, kumbaga hindi bumebenta ang palbas nila kung walang fight scenes.


Mga palabas na pinapakita kung pano magnakaw.


mga palabas kung paano mang rape.... teka porno na yata yun.


ayun, lahat lahat yan natatandaan ko pa pero hindi ko naman ginamit sa maling paraan yun kahit na mukhang cool.


di naman ako nagbukas ng taxi sa gitna ng EDSA sabay kuha ng gamit ng mga kawawang (yung iba) taxi driver sabay takbo.


halos lahat ng nasa balita ngayon ay tungkol sa mga bata na gumagawa ng krimen at wala namang magawa ang mga awtoridad dito eh kasi nga menorde edad. di nila makulong ang mga batang nanghahalay ng mga nanay sabay lalaslasan sila.


di rin nila magawang ikulong ang mga batang parang gago na namaril dahil sa selos... di nila rin siguro magagawan pa to ng paraan kasi patay na yata yung dalawang ehem....alien.


sumasakit na ang ulo ko sa kanila.




meron pa 


ang mga bata na uto-uto na sumasama sa motel kapag inaya sila ng nakilala lang nila sa internet...


diba? bakit ka kasi sasama sa motel sa isang tao na isang buwan mo palang nakikilala?


bata ka nga at uto-uto ka.




meron pa.


namigay ako sa isang bata nangungulit sa akin sa may sakayan... binigyan ko ng bentesingkong barya... makalipas ang isang minuto binato pa sa akin.


eh p*tang*na mo pala eh, ikaw na nga tong binigyan ikaw pa galit.


matuto kang magpasalamat kahit minsan.


hay nako,


dahil sa mga batang yun sumasakit na ang puso ko.


pero tignan natin...


bakit nga ba ganun ang mga bata?


sabi ng Erpat ko,


ang mga bata ginagaya lang naman nila ang kanilang mga nakikita sa paligid.


kung ano ang nakita nila yun ang gagayahin nila.


point of idol-ism ika nga.


siguro umuugat to kung pano nila pinalaki ang kanilang mga anak.


pag pinalaki ng spoiled lalaki ng spoiled.


pag pinalaki ng mabuti edi lalaki ng mabuti.


may mga magulang kasi na kunsintidor na di dapat nila hinahayaan lang ang kanilang mga anak na matuto mula sa iba na nagtuturo ng kung ano anong klaseng kabababuyan.




so bakit nga ba ganito ulit ang mga bata ngayon?


parang nag Trend nga ito eh.




hay nako talaga, 


ang mga barbaryong mga bata, di na mapigilan. ika nga ang wawild.


parang galing sa boot camp nila Leonidas ng 300.


grabe talaga.






sabi pa naman sa isang kanta diba


"The children is our future, teach them well and let them lead the way, show them all the beauty they posses inside."


tama ang mga kabataan ay para sa ating hinaharap, turuan sila ng tama.


pero tanong ko...


nasaan na ang "beauty" ng mga batang iyon?


nabulok na yata.




habang patagal ng patagal, unti unti ng nauubos ang mga bata na may busilak ang kalooban.


kailangan na nga yata ng rapture.


di na ako magugulat kung makarinig ako ng balita na isang 3 taong gulang pinatay ang pamilya niya.




o siya,




aalagaan ko pa yung pamangkin ko,


mamaya barilin ako eh.

No comments: