Sunday, July 17, 2011

Pila ng Inang Yan

"Patience is a Virtue"

ang virtue di ko alam kung ano yan. pero lagi ko yan naririnig pag nagaantay ako.


aminin natin, nakakapagod ding magantay.

tulad ng traffic.

mapapamura ka sa sobrang tagal.

kung hindi "mabagal" sasabihin mo "nakakainip" o kaya namay "Bulok na sistema"

Pila sa jollibee

Pila sa Mcdo

Pila sa CR

Pila sa Atm

Pila sa Banko

Pila sa NBI

Pila sa DFA

Pila sa Auditions

Pila sa Bar

Pila sa Komyunyon

Pila sa MRT

Pila sa Eat Bulaga

Pila sa Showtime

Pila sa Wiltime bigtime

Pila sa Puso mo..(ayeee)

Puny*ta ang nakakakinis pa dito ay yung maiipit ka sa mga anghit at malaimbornal na amoy ng mga katabi mo. Mabaho pa sa lahi ng mga naka motor na naka turban at nagbbenta ng DVD o kaya aalukin ka ng sirang elektrik fan na ang tatak ay AYWA.

naligo ka naman kanina

pero pag naipit ka na... goodbye my darling smell. Pakiramdam ko di na ako lalapitan ng mga dyosa na nahulog sa langit matapos kong gumamit ng Axe.

siyempre pag sinabi mong pila hindi mawawala yung mga hudas na mga sumisingit sa pila at pag sinita mo sila, sila pa yung agrabyado.

Tipong mga ganito:

Man1:“Brad dito ka nakapila? Kanina pa ako dito ngayon lang kita nakita!”

Man2:"Kanina pa ako dito, nagCR lang ako"

Man1:“umayos nga kayo ng pila niyo. sumingit lang kayo eh”

Man2: “eh kanina pa nga ako dito nagCR nga lang ako!”

Man1: P*t*ng*na mo ah! Kami dito nagpapakahirap pumila tapos ikaw sisingit lang??!

Singit.

kung hindi mabaho at maasim, eto yung mga nakakainis.

Parang kontrabida sa isang palabas. Alikabok sa bahay, libag sa leeg, asungot na propesor, salabaheng bata. At ayun na nga, ang mga asungot na di mawalawala sa atin. Ang mga singit.

Mapa jeep man o taxi, o yung nakakainis na driver ng motorsiklo sa gitna ng traffic, sisingit sila sa butas na masikip. Parang dragon na nakakita ng liwanag sa isang sulok, sisingit sila na parang walang bukas.

Pero aminin, sa tala ng buhay mo sumingit ka narin diba? Sigurado ako napangiti ka ngayun at inalala mo kung saang Jollibee o mcdo ka na pumila at sumingit dahil ang baga g nasa cashier, pero teka ang bagal pumili ng nasa harapan mo eh. Kulang nalang sabihan mo ng “tsong, may nakapila sa likod, ano ka? HARI?”

So mabalik tayo.

PILA

Kung ating hihimayin, ang pila ay isang salita na ibig sabihin ay “sumunod sa isang maayos na linya.”

Pwede din na acronym

PILA

Please Investigate Lines Ahead

O

Paki Ingatan ang Linya, Ayus?

O

Prevent Insanity, Line Across

O

Puny*ta Iayos ang Linya mga Abnoy!

O

P*ta Isang Linya lang, Assh*les

Akoy nagsisintimyento sa pila dahil naging biktima ako nito ng nakaraang mga araw at naubos na yata ang pasensya ko.

Kulang nalang mag ala Mr. Hyde ako sa inis.

Lalong lalo na sa NBI. O ang Nakanampuchang Bangis Ito.

Halos dalawang araw akong nakapila kasama ang 2 kong magagandang kaibigan (chiks sila), tapos malas ko lang ay may kapangalan pa ako. Mukang may kapangalan akong sindekato na nagbebenta ng Stones.

Kaya pinabalik pa ako matapos ang 7 araw. At akoy nakawitness nanaman ng pila.

Lahat tayo pumipila para maabot natin ang gusto natin, minsan iniisip ko nakanino ba ang problema?

Nasa atin bang mabubuting mamamayan na pumipila?

O

Duon sa pinipilahan natin?

O

Duon sa mga gamit nila kasi di hi-tech.

O

O unggoy lang yung nasa counter at sige lang ang pindot nito kaya antagal talaga.

Napakalaking misteryo pa din ang pila para sa akin.

So ano nga ba ang sulusyon ng pila?

Pumila ng maayos?

Pumila ng tahimik?

Huwag sumingit?

Sa Pila palang malalaman mo na kung ano ang ugali ng tao eh,

Mainipin ba ito

Masungit

Maarte

Tamad

Antukin

Lahat na. lahat na.

Alam niyo may pobya na ako sa pila eh.

Dahil nakakatrauma talaga yung sa NBI

Buti nalang sa ilalim ng lupa yun, kasi kung sa ibabaw siguro parang pinipritong itlog na ako.. ang oily pa naman ng nose ko. Parang golden fry.


o pano pipila pa ako.


mamaya may sara duterte sa pila at mabigyan pa ako ng Duterte Punch pag napagkamalang sumisingit ako.


pero eto ang ibibigay ko sa kanila


1 comment:

SKY said...

lokaloka ka talaga. hahaha:))