Showing posts with label food. Show all posts
Showing posts with label food. Show all posts

Monday, August 7, 2017

Mr Pogi TV Food Review: Wagamama Biñan Branch





(Photo taken by: Ma. Emilie Anne Bartolo)


WagamAmazing!


It's been a while since I last ate at a decent coffee shop. Yung feels ko dito naamaze ako eh? My girlfriend and I ate here last saturday night (August 5, 2017) around 8 PM. Dapat talaga kakain kami sa food yard thingy sa BF Homes kaso late na, medyo nag critical thinking ako dito eh kasi sa isip isip ko kakain lang naman kami bat pa lalayo, then napadaan kami sa Wagamama Cafe sa Biñan, sa may PTT gasoline station sila located.


Luckily walang nakapark kaya swabe at mabango yung pag park ko eh.


Pag pasok namin naamaze ako, upon entering sa left side nila located yung up and down cozy spot nila, sayang taken na yung spot na yun parang ako, so we went to somewhere close to the counter. The place was so nice, cozy feeling and environmentally enticingly ang dating sa dami ng halaman na decors nila. Napaka simple ng concept pero ang linis tignan ng coffee shop na to. So nag order ako, I forgot to withdraw some money so I asked them if nag dedebit card ba sila kasi hindi. 😭 Luckily I have some money, I was seriously hungry that night as well as my girlfriend.


Sinuggest sakin ni kuya barista yung sandwich na to, so I ordered this super sulit sandwich called: "Tokyo Tower" for only 155 pesos good for 2 na. Para connected pa din sa movie na Kita Kita. 



Yung nasa left side, potato chips yun! Nicely done siya and eto siya:





Champion eh! Good for 2 diba? Good for your Small Intestines and your Large Intestines! 😂


Meron siyang ham, bacon, lettuce, cheese, tomato, bread and bbq sticks!


Swear champion.


Alternative siya ng clubhouse sandwich.


Also for my drink I ordered their frappe called "Mt. Fuji" for only 129 pesos. See? Connected pa din sa Kita Kita eh!


So di ko natiis kinain ko yung marshmallow before I took a picture of it. It consists of Chocolate, coffee, vanilla, sprinkles ng unicorn and the whipped cream.




Hindi ko nabigyan ng justification yung drink ko, next time kukunan ko ng maganda promise!

So next I asked my girlfriend if ano gusto niya, sabi niya pesto daw eh kasi healthy sh** yun, so ayan umorder siya ng "Basil Pasta With Grilled Chicken" for only 129 pesos.


Legit dahon guys, swear ang sarap neto. Hindi naguumapaw yung pesto oil neto. Champion!

Then I asked her ano gusto niyang drink, aba gusto niya Hot Choco for only 79 pesos 12 oz na! Sabi ko kasi 12 oz na siya para makahigop din ang lolo niyo.



Real deal din yung hot choco nila, naalala ko tuloy nung bata ako pag ginagawan ako ng parents ko ng Hot Choco. Legit eh.


So ayan ang drinks namin:




Sabi ko sa sarili ko may kulang, gusto ko ng appetizer, so I ordered this Nachos pero solo lang kasi may bad experience na ako sa nachos sa ibang resto eh, their Nachos costs 79 pesos only!


At eto yun:




Panalo mga friendships, feeling ko kausap ko si Jack Black from Nacho Libre movie niya habang kinakain ko to. At yung solo nila panalo na parang good for two na! Nakita ko yung good for 2 nila na nachos at mukhang good for 4. 




Di kami nag intay ng matagal actually, saktong sakto yung serving nila (I don't know if di kasi ganun karami ang tao kaya di toxic eh) pero ang swerte namin that night.




Naalala ko tuloy si Xian Gaza, yung billboard niya na "I don't know how to ESPRESSO".




Syempre papicture din ako.




At syempre siya din.





As you can see, self service ang water nila, for the dessert, di na kami nakapag try pero ayun sa left side located at mukhang yummmmeeehh!


My experience at WAGAMAMA was Wagamazing! The staff were nice and accommodating, food was amazing, the place was soothing and calming, feel ko gumawa ng mga sinusulat ko dun, also they offer board games upon request.


Will definitely go back there, I recommend this place to my fellow millennials.

To my friends, tara dalhin ko kayo dito.


They have 2 branches, the other one is located at Pacita.












For more information visit www.facebook.com/wagamamabinan
Wagamama Cafe
381 General Malvar St. 4024 Biñan City Laguna
09177925065

Sunday, November 28, 2010

10 things that i don't want for Christmas

Ngayong malapit na ang pasko, asahan mo ang mga bagay na ito, pero sana hindi ako makatanggap nito:



1. MUG. ang malimit na nakatatanggap nito ay ang mga guro, propesor, guardya, magulang, empleyado at mga adik lang naman sa kape. minsan may drawing pa ito ng snowman, sulat na "merry christmas", happy birthday....jesus. at mukha ni satan... ay este santa.



2. SALAWAL o UNDERWEAR. kung hindi pink o flesh ang ibibigay sa iyong kulay malimit naman puti. 50-50 ang chance na tama ang sukat nito sayo. maswerte ka na kung makakatanggap ka ng neon orange na kulay. gaya ng suot ko ngayun.






3.T-SHIRT. kung hindi statement shirt ang ibibigay sa iyo. baka naman yung mumurahin na damit mula sa sm ang matanggap mo. pero gaya ng underwear asahan mo na mas malaki o kaya mas maliit sayo ang t-shirt dahil wala naman talaga sa plano na regaluhan ka.

may tawag dun eh. impulse buying na kung saan magugulat ka nalang kasi bigla mo nalang makikita sa listahan yung pangalan niya. badtrip no?




4. STUFFED TOYS. kailan ka ba huling nakatanggap nito? nung High School ako usong uso tong ang bigayan ng stuffed toys. kasi nga, sweet.. ang cute cute..
Ngayon, kung alam lahat ng tao na kikay ka, alam mo na kung bakit ka bibigyan nito. di masama na makatanggap nito ay babae, pero pag lalaki.. tsong, magdududa na ako.




5.PAGKAIN o FOOD. resulta to ng pagmamadali lalo na pag gabi na o kaya namay wala ng mapili. kung hindi mamon o cake sa Red Ribbon, Polvoron o Macaroon sa Goldilocks, pwedeng Ham o Fruitcake mula sa isang chinese store sa Binondo ang pwede mong ibigay.

Isang aspekto sa pag-uugali ng mga tao na kung saan ang pagkain ang kanilang escape route o last resort ng mangreregalo ito. aminin na nating lahat na di mo pwedeng pabayaan ang pagkain sa lamesa kasi mapapanis.






6.PICTURE FRAME WITH THE PICTURE OF THE GIVER. minsan pakapalan nalang talaga ng mukha. as in makapal talaga ang mukha.





7. SOAP, SHAMPOO, COLOGNE, DEODORANT AND LOTION. minsan may gusto lang talaga silang iparating eh. kumbaga concerned lang.





8. CD or DVD. para hindi naman nakakahiya bumibili nalang sila ng original na lumang album nila aiza siguera, aprilboy atbp. mula sa isang bargain sale sa astrovision, music one at odyssey tapos lalagyan ito ng sulat at kunwari dedicated sa kanila yung kanta.

you wish.

ikaw ba gumawa ng album?






9. KEYCHAIN. sinasabi nila na maaalala mo sila dahil daladala mo ito palagi. pero sorry, di ko talaga maisip kung saan ko ilalagay ang Minnie Mouse na keychain na to.



10. TXT NA "MERRY CHRISTMAS!!! NEXT YEAR NALANG YUNG GIFT KO, SORRY AH."

ah ok.
sige.

i understand. pero naman, bakit mo pa sinabi na magreregalo ka next year? close?


di na tayo friends.



sabi nga nila it's the thought that counts.

Thought.

"Its the act of thinking"

pero pano pag sinabihan lang siya na batiin ka?

aray.


kaya ako, lalantakan ko nalang yung strawberry icecream sa ref.

sana di ako makatanggap ng mga ganyan sa pasko. pero wala naman yata magreregalo sa akin eh.

-E