sabi ng isang lalaki sa tabi ko kanto ng ayala.
sabi ko
di po ako nagyoyosi eh
tinignan niya lang ako at umalis.
Smoking Ban.
alam ko, ang yosi sa mga nagyoyosi ay parang toothpick na pampatanggal ng nakakastress na tinga sa ngipin.
natry ko magyosi nung bata pa ako nung pinasindihan sa akin ng tatay ko yung yosi niya sa kalan kasi wala na siyang lighter.
sinindihan ko ito at may nalaglag na upos.
siubukan ko itong hithitin pero bigla akong inubo.
at hindi ko na ulit itong tinikman pa.
pero
nung may shooting kami
at isang maangas na karakter ang aking role
kailangan kong ipull-off yung scene na nagyoyosi ako.
so ayun naka isang stick din ako, lasang kahoy at hindi ko talaga nagustuhan.
pero nung ginawa ko talga yun halatang hindi talaga ako nagyoyosi.
pero eto lang masasabi ko,
nung pinanood ko iyon.
nagmukha pa rin akong:

so ang pagyoyosi ba ay hereditary?
nasa genes?
asa daloy ng dugo?
pero bakit ganun? halos lahat ng lalaki sa pamilya namin nagyoyosi, ako lang hindi.
asa environment ba ito?
o

PEER PRESSURE?
ok fine.
Smoking ban sa paborito kong maynila. oh so ngaun ano na?
ok naman to, sa public places, pero kahapon nakakita ako ng nagyoyosi eh. sa tapat ng school at sa tapat ng mall.
baka naman onting PAKIUSAP lang yan, at onting "Brad pang Softdrinks oh" hahayaan na.
di ko alam kung bakit ngayun lang to inilabas pero diba matagal na dapat to?
Alam ko na kung bakit to pinalabas ngayun.
Para daw maiwasan ang pag anak ng mga premarture UNWANTED Babies dahil diba nga, smoking can tarnish a baby's health when it is still inside a mother's womb?
pero kasi bakit kailangan magyosi habang buntis?
kasi teenager palang at hindi mapigilan ang pagyoyosi?
eh bakit nagbubuntis ang isang teenager na hindi marunong mapigilan nag temptasyon ng yosi habang nag dadalang tao?
ang daming tanong
parang mga bata lang sa pilipinas.
so anu na gagawin sa RH BILL na yan?
teka may divorce divorce pa, eh pera lang habol niyan.
sa dami ng tanong tinatamad na akong magblog
malapit ng magpasukan.
dadami nanaman ang masasayang mga bata na di makakapag aral ngayung taon kasi napabayaan ng mga magulang na mahilig magyosi sa tanghaling tapat at tumitira ng gin pang mumug lang. masarap ba yun?
parang di na epektib ang utak ko ah.
lalabas nalang ako ng bahay.. parang yung ginagawa ni leviste.
pero this time di ako magpapacheck ng ngipin.
manonood nalang ako ng
XMEN First Class.
o diba sakto sa june pinalabas,
sakto pasukan din pala ng mga mutants kasi it's their first class.
o siya sa susunod ulit
alam ko magbbirthday na ang cool mom ni Kathrine Alviar eh (BFF ko) tapos sa susunod na linggo pa mag bbirthay na rin yan si Kathrine Alviar. Pabati nalang ah?