Saturday, January 14, 2012
Maarteng Karanasan sa Daanan
Maarteng Karanasan sa Daanan
May oras na marami,
may oras na wala.
Akoy nakatitig sa marami,
minsan namay tulala.
Ang maruming sahig na walang banig,
ay pilit na inaapakan ng isang libong mukha na mukhang dukha.
May kumikiskis, may pumapadyak,
may tumatapak na parang pumapalakpak.
"Ale" sigaw ng isang binata,
nagtatanong lamang siya kung magkano ang kurdon na tela.
Ang nakabusangot na mukha ng ale,
di ko maisip kung siya lang ba ay natatae.
Ang maruruming paa na kulay tsokolate ang tema.
Di ko alam kung saang lupalop ba sila napadpad,
pero huwag naman sana sa Cagayan.. na nilamon ng tubig, putik at lupa.
Mga mukhang pagod,
mga mukhang masigla.
Sino nga ba sa kanila ang may tunay na ruta.
Ako'y naghihintay
na parang tambay sa Pasay.
Nang may nagtanong kung saan ba ang daanan.
Tinuro ko ang daanan ng mga buhay,
at hindi na niya ako ginambala ng tunay.
Sa aking paghihintay ako ay napaisip,
Kung lagi lang ba akong maghihintay ng matagal at nagiisip.
Sa Pagibig, sa trabaho at sa aking pagiisip,
Lahat sila'y aking inaantay ng matagal sa aking isip.
Dumating na nga ang aking hinihintay,
Siya ay maganda na puno ng buhay,
at nakatanaw ang kanyang mga kilay.
Sa dami ng tao ako tuloy ay kanyang hinanap,
Nasa tabi na niya ako, sa dulo pa naghahanap.
Ang daanan minsa'y sadyang makitid.
Ang destinasyon mo na nga ay nasa gilid,
patuloy ka paring naghahanap sa ibang gilid.
Kung ano na nga ba ang nasa harapan,
minsa'y di pa din natin ito binibigyan ng pansin
upang magkaroon ng isang magandang kaganapan.
Thursday, January 12, 2012
It’s More Fun In The Philippines… Yes It Is!

Let’s define FUN
according to a source:
it is an Enjoyment, amusement, or lighthearted pleasure. Enjoyment, nageenjoy ka ba sa Pinas ngayon kapatid? Ewan ko sayo, pero ako nageenjoy naman ako, sobrang happy ko nga ngayon at pwede na ako mamatay.
amusement, dahil sa enchanted kingdom, boom na boom at star city.
lighthearted pleasure… hmm.. no comment.
It’s Fun nga sa Pilipinas
Kasi mayroong:
THE SWEET AIR IN THE CITY. Grabe, kung pwede lang tumira sa kalsada ginawa ko na, kasi ang sarap ng simoy ng hangin sa Pilipinas. Pwede naman yata eh andami ngang natutulog sa gilid gilid eh.
VERY OBEDIENT CITIZENS. Napaka masunurin ng mga tao dito, hindi sila tumatawid sa mga hindi naman dapat tawiran, di sila nag oover the bakod, pag sinabing bawal ang tao sa bangketa, wala talagang tao at lalo na sa Common Wealth? Sobrang sarap magmaneho doon dahil hindi pasaway ang mga tao. Lalo na sa MRT at LRT, pag sinabi ng driver ng tren na wag pigilan ang pintuan, di nila pipigilan at magbibigayan pa yan ng daan at hindi nila isisiksik ang sarili nila pag marami ng tao. Ang sarap sumakay sa MRT kahit rush hour.
LIGHT TRAFFIC, SMOOTH DRIVING. Pag late ka nagising di mo na kailangang idahilan sa boss mo o sa mga kameeting mo na natraffic ka dahil maluwag ang kalsada at sobrang swabe ng daan. Di Wag ka lang mag overspeed at baka mahuli ka ng MMDA, hanggang 60 kph lang daw ang limit eh.
CAREFUL TRUCK DRIVERS AND BUS DRIVERS. Kung may depinisyon ng maingat, sila na siguro ang mga hari, dahil sila napakaingat nila at hands down talaga ako sa mga to. Maiingat sila, kaya saludo ako sa kanilang lahat.
GET IN TOUCH WITH OUR FAST RUNNERS IN THE PHILIPPINES. Sila yung mga parang ninja na may bitbit na kwintas, wallet, bracelet, pera. Siguro sa sobrang bait nila hinahabol lang nila yung nakalaglag nun.
FRIENDLY STRANGERS IN Q.AVE, MALATE, MAKATI AVE. AND MANY MORE. Sila yung tatapik sa bintana mo at nakangiti lang sayo. O kaya naman yung sisitsitan ka ng isang lalake na nakacap sabay iiintroduce ka niya sa mga Friends niya.
HONEST POLITICIANS. Walang nandadaya sa eleksyon, lahat sila tumatakbo ng patas, pag natalo sport naman sila, walang Crab mental sa Pilipinas kasi masama yun.
Lastly,
MORE KIDS. ika nga diba, the more the merrier!
Labels:
DOT,
its more fun in the philippines
Subscribe to:
Posts (Atom)