Saturday, January 14, 2012

Maarteng Karanasan sa Daanan


Maarteng Karanasan sa Daanan



May oras na marami,
may oras na wala.
Akoy nakatitig sa marami,
minsan namay tulala.



Ang maruming sahig na walang banig,
ay pilit na inaapakan ng isang libong mukha na mukhang dukha.
May kumikiskis, may pumapadyak,
may tumatapak na parang pumapalakpak.

"Ale" sigaw ng isang binata,
nagtatanong lamang siya kung magkano ang kurdon na tela.
Ang nakabusangot na mukha ng ale,
di ko maisip kung siya lang ba ay natatae.



Ang maruruming paa na kulay tsokolate ang tema.
Di ko alam kung saang lupalop ba sila napadpad,
pero huwag naman sana sa Cagayan.. na nilamon ng tubig, putik at lupa.



Mga mukhang pagod,
mga mukhang masigla.
Sino nga ba sa kanila ang may tunay na ruta.

Ako'y naghihintay
na parang tambay sa Pasay.
Nang may nagtanong kung saan ba ang daanan.
Tinuro ko ang daanan ng mga buhay,
at hindi na niya ako ginambala ng tunay.


Sa aking paghihintay ako ay napaisip,
Kung lagi lang ba akong maghihintay ng matagal at nagiisip.
Sa Pagibig, sa trabaho at sa aking pagiisip,
Lahat sila'y aking inaantay ng matagal sa aking isip.


Dumating na nga ang aking hinihintay,
Siya ay maganda na puno ng buhay,
at nakatanaw ang kanyang mga kilay.
Sa dami ng tao ako tuloy ay kanyang hinanap,
Nasa tabi na niya ako, sa dulo pa naghahanap.


Ang daanan minsa'y sadyang makitid.
Ang destinasyon mo na nga ay nasa gilid,
patuloy ka paring naghahanap sa ibang gilid.
Kung ano na nga ba ang nasa harapan,
minsa'y di pa din natin ito binibigyan ng pansin
upang magkaroon ng isang magandang kaganapan.







No comments: