Nakakatakot..
Dahil malapit na ang nobyembre, narito ang
mga nakakatakot na bagay na dapat nating iwasan dahil nga sila ay talagang
nakakatakot kapag nilapitan ka ng mga ito.
1. Mga 13-16 yrs old na may love problem.
Kung hindi ka tututukan sa loob ng mall babarilin ng dahil sa selos,
magpapakamatay nalang sila sa harapan mo, parang teleserye ang tema. Mga bata
nga naman, sadyang mapaglaro at wild ang imagination. Para silang children of
the corn.
2. Bukas kotse gang. Matindi pa yata to sa
horror film na napanuod ko. At dahil tanga ka na hindi ilock ang pintuan mo,
bigla nalang nila bubuksan ang pintuan mo. Hindi ka nila bibigyan ng sampagita
o maggogoodmorning, nanakawan ka lang naman nila saby tatakbo na akala mo
cheetah sa safari.
3. Nescafe sweet and mild commercial. Pota,
self explanatory.
4. Killer buses. Sila lang naman yung mga
naghahari sa edsa na mahilig sa masisikip. Gagawin nila ang lahat para
sumingit.
5. Overpricing taxi guy. Minsan akala ko
nakaligtas na ako sa pagod at stress para makauwi, hindi pala mas naistress pa
yata ako ng singilin ako ng 300 na pwede namang ijeep ko nalang at gagastos
lang ako ng 8 piso. Punyeta kayo.
6. Laglag barya gang. Dahil wala lang sa
kanila ang barya, ilalaglag nalang nila to kapalit ng cellphone mo o wallet na
may laman na sweldo mo. isama mo na dito yung mga mabibilis na tumakbo na snatcher sa quiapo o kaya sa manila, o kaya as makati, o kaya sa quezon ah punyeta sa lahat ng lugar!
7. Mga sakit sa leeg. Kahit sino ka pa...
Kapag nastress ka, pwede kang magkaroon nito, gaya ng idol kong si ex pres.
PGMA.
8. Planking. Hindi ako against dito dahil
art to, pero kasi anu trip mo tsong?
9.Ang mga malalaking buwaya. Gaya ni
lolong, yung mga mmda sa makati o edsa, isama mi na yung mga buwaya sa congreso
natin na di mabusog busog. ang
pinagkaiba lang nila kay lolong, ay sila palaging may gana... Si lolong walang
ganang kumain.
Matindi pa sa demonyo, tong mga to.
Tatanungin kita, ano ngaun ang mas
nakakatakot?
Mga zombie?
O
sila?
No comments:
Post a Comment