Monday, August 28, 2017

Mr Pogi TV: Top 7 Traits of a Filipino



Buwan ng wika ngayong buwan ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon ang "Ama ng Wikang Pambansa". pero di tayo maguusap tungkol sa kasaysayan ni Manuel L. Quezon kasi alam kong maikli lang ang attention span niyo eh.


ika nga sa wikang ingles, "Let's cut to the chase."






Minsan napaisip ako kung ano nga ba ang mga katangian ng isang Pilipino para masabing pinoy ka nga.






sa pag salita ng po at opo, pagdating mo sa lugar ng 9:00 pero ang usapan ay 8:00, hanggang sa nagiisang lumpia na natira sa party na nagkakahiyaan pa kung sino ang huling kukuha. Narito ang 7 listahan na kung saan pwede nating masabi na pinoy ka nga!






1. Po at Opo - Itong salitang to matatagpuan siya sa dulo ng pangungusap bilang salitang pag galang sa nakatatanda. naalala ko nung bata ako, kapagka narinig ng nanay ko na hindi ko ginamit ang salitang po at opo sa dulo ng mga salita ko, kukuha yun ng buntot ng paging tapos papaluin ako sa likod habang naka gapos ang mga kamay ko sa puno, de joke lang yun. Pinahaharap ako ng nanay ko sa pader (face the wall) tapos paulit ulit kong sasabihin ang "PO" at di ako titigil hanggat di niya ako sinasabihan na tumigil, so parang ganito "PO PO PO PO PO PO PO PO PO PO PO PO PO PO PO" oh yan palang pagod ka na diba. Pero natuto ako dun, kasi kung di ako ginanun ng nanay ko, di ko makukuhang mgaing kagalang galang ngayun. kaya nga kahit yung mas bata sa akin na po po ako eh. Pero ngayun wala na ako masyadong marinig na ganitong salita sa mga bata ngayon.






2. Filipino Time - "Pre 8:00 ang call time natin ha"... pero 8:00 na, naliligo palang. Ito yung tinatawag na Filipino time. Alam na alam na to ng mga Pilipino maski mga tao sa ibang bansa alam nila to eh. Hindi ko alam kung ano ba solusyon dito pero hindi naman lahat ng Pilipino ganito, halos kalahati lang ng populasyon ng Pilipinas ganito.






3. Ber Months Means Christmas - September, October, November and December. Sa loob ng 4 na buwan na yan maririnig mo ang mga tinig ni Jose Mari Chan. Sabi nga sa balita ang Pilipinas nga daw ang may pinakamahabang selebrasyon ng pasko, minsan aabot pa ito hanggang 3 kings eh. Hindi naman masama to pero masaya ito swear!






4. The Last Piece - Eto yung sa handaan o kaya kahit hindi party eh, yung tipong nagdinner or nag lunchout lang na ambagan. May makikita kang 1 pirasong siomai o kaya lumpia. Kapagka isa sa inyo kumuha malalabelan na PG (Patay Gutom) o kaya masiba o kaya matakaw, pano na ang diet mo bes?






5.Tara kain. - eto yung magaaya yung kaibigan mo o kaya kung sino man na kakain, pero para sa kanya lang yung nakahanda. Pero aayain ka pa din nyan. Subukan mong makisalo noh?






6.Jollibee - di ka pinoy kung di ka mahilig kay jollibee! Jollibee yun, yung bubuyog na bumibida ang saya. Mula sa chicken joy, hanggang sa jolly hotdog samahan mo pa ng jolly twirl, tiyak na gaganahan ka at sasabihin mo na ang sarap maging pinoy.






7.Bahala Na - Common trait to ng mga Pilipino. Puro nalang "Bahala na si Batman", tol inano ka ba ni Batman? Mga happy go lucky kasi mga pinoy. Ipagpapaubaya nila ang mga pwedeng mangyari sa kanila sa Diyos. Dahil malakas ang pananampalataya ng mga Pilipino sa Diyos Amang may kapal.










So ayan ang listahan na kung saan pwedeng masabi na Pinoy ka nga!






Halinat manuod muna ng teleserye sa hapon hanggang gabi.

No comments: