Sunday, September 25, 2011

matakot ka..






















Nakakatakot..


Dahil malapit na ang nobyembre, narito ang mga nakakatakot na bagay na dapat nating iwasan dahil nga sila ay talagang nakakatakot kapag nilapitan ka ng mga ito.



1. Mga 13-16 yrs old na may love problem. Kung hindi ka tututukan sa loob ng mall babarilin ng dahil sa selos, magpapakamatay nalang sila sa harapan mo, parang teleserye ang tema. Mga bata nga naman, sadyang mapaglaro at wild ang imagination. Para silang children of the corn.

2. Bukas kotse gang. Matindi pa yata to sa horror film na napanuod ko. At dahil tanga ka na hindi ilock ang pintuan mo, bigla nalang nila bubuksan ang pintuan mo. Hindi ka nila bibigyan ng sampagita o maggogoodmorning, nanakawan ka lang naman nila saby tatakbo na akala mo cheetah sa safari.

3. Nescafe sweet and mild commercial. Pota, self explanatory.

4. Killer buses. Sila lang naman yung mga naghahari sa edsa na mahilig sa masisikip. Gagawin nila ang lahat para sumingit.

5. Overpricing taxi guy. Minsan akala ko nakaligtas na ako sa pagod at stress para makauwi, hindi pala mas naistress pa yata ako ng singilin ako ng 300 na pwede namang ijeep ko nalang at gagastos lang ako ng 8 piso. Punyeta kayo.

6. Laglag barya gang. Dahil wala lang sa kanila ang barya, ilalaglag nalang nila to kapalit ng cellphone mo o wallet na may laman na sweldo mo. isama mo na dito yung mga mabibilis na tumakbo na snatcher sa quiapo o kaya sa manila, o kaya as makati, o kaya sa quezon ah punyeta sa lahat ng lugar!

7. Mga sakit sa leeg. Kahit sino ka pa... Kapag nastress ka, pwede kang magkaroon nito, gaya ng idol kong si ex pres. PGMA.

8. Planking. Hindi ako against dito dahil art to, pero kasi anu trip mo tsong?

9.Ang mga malalaking buwaya. Gaya ni lolong, yung mga mmda sa makati o edsa, isama mi na yung mga buwaya sa congreso natin na di mabusog busog.  ang pinagkaiba lang nila kay lolong, ay sila palaging may gana... Si lolong walang ganang kumain.



Matindi pa sa demonyo, tong mga to.

Tatanungin kita, ano ngaun ang mas nakakatakot?


Mga zombie?


sila?

Friday, September 23, 2011

Ang Mga Bata Ngayon






Ang sweet nila no?






Dahil masyado na yatang mabilis ang ikot ng mundo ngayon,


unti unti na yatang nagiging barbaryo ang mga bata ngayon sa Pilipinas.




kung hindi may namaril, may nagpakamatay.


kung hindi may nangrape, may nagnakaw.


ano ba to? 


epekto ng mga palabas? 
epekto ng mga Wrestling o UFC?
epekto ng mga palabas ni Robin?
epekto ng gutom?
o
epekto ng pagod?
epekto ng spatacus o 300?


masyadong magulo na yata to.


diyos ko po.






naalala ko nung bata ako, mahilig din naman ako manood ng mga palabas na may sapakan, barilan, saksakan at kung ano ano pa, gusto ko din yung mga palbas na mabibilis yung mga tao magnakaw, kasi astig lang... minsan nga iniisip ko na manghadouken din eh kaso mukhang di yata ako biniyayaan ng angking kakayahan.


napapanood ko pa dati sila FPJ kung pano niya banatan si Paquito Diaz, o kaya naman pag nakikita ko ang mga kantahan nila Dolphy sa beach sabay biglang kikidnapin si Camille Prats sabay susugod sila Dolphy sa isang warehouse, na kung saan duon dinala si Camille Prats ng mga sindekato, at sabay may barilan at maatikabong bakbakan hanggang sa makuha nila yung bata, saka naman dadating ang mga pulis kung saan napulbos na ng mga bida ang mga kaaway.


napanood ko din naman ang mga War films kagaya ng Enemy At The Gates, Saving Private Ryan at kung ano ano pa na minsay pinangarap ko ring maging sundalo.... kaso umurong ako kasi baka mamaya torturin ako sa academy eh.


Nauso din ang Mortal Kombat at Street Fighter. di lang sila sa mga consoles makikita kundi sa mga palabas na din.


Kunin narin nating halimbawa ang mga palabas na may bakbakan tlaga sa states... Fight Club... ano pa ba? pasensya na favorite ko talaga ang Fight Club eh. macho ni Brad pit dun brad.


sa panahon na nauso ang Ray Gun ni Eugene o kaya naman ang Kameha Meha ni Goku, di mawawala ang suntukan at sapakan sa kanilang mga eksena, kumbaga hindi bumebenta ang palbas nila kung walang fight scenes.


Mga palabas na pinapakita kung pano magnakaw.


mga palabas kung paano mang rape.... teka porno na yata yun.


ayun, lahat lahat yan natatandaan ko pa pero hindi ko naman ginamit sa maling paraan yun kahit na mukhang cool.


di naman ako nagbukas ng taxi sa gitna ng EDSA sabay kuha ng gamit ng mga kawawang (yung iba) taxi driver sabay takbo.


halos lahat ng nasa balita ngayon ay tungkol sa mga bata na gumagawa ng krimen at wala namang magawa ang mga awtoridad dito eh kasi nga menorde edad. di nila makulong ang mga batang nanghahalay ng mga nanay sabay lalaslasan sila.


di rin nila magawang ikulong ang mga batang parang gago na namaril dahil sa selos... di nila rin siguro magagawan pa to ng paraan kasi patay na yata yung dalawang ehem....alien.


sumasakit na ang ulo ko sa kanila.




meron pa 


ang mga bata na uto-uto na sumasama sa motel kapag inaya sila ng nakilala lang nila sa internet...


diba? bakit ka kasi sasama sa motel sa isang tao na isang buwan mo palang nakikilala?


bata ka nga at uto-uto ka.




meron pa.


namigay ako sa isang bata nangungulit sa akin sa may sakayan... binigyan ko ng bentesingkong barya... makalipas ang isang minuto binato pa sa akin.


eh p*tang*na mo pala eh, ikaw na nga tong binigyan ikaw pa galit.


matuto kang magpasalamat kahit minsan.


hay nako,


dahil sa mga batang yun sumasakit na ang puso ko.


pero tignan natin...


bakit nga ba ganun ang mga bata?


sabi ng Erpat ko,


ang mga bata ginagaya lang naman nila ang kanilang mga nakikita sa paligid.


kung ano ang nakita nila yun ang gagayahin nila.


point of idol-ism ika nga.


siguro umuugat to kung pano nila pinalaki ang kanilang mga anak.


pag pinalaki ng spoiled lalaki ng spoiled.


pag pinalaki ng mabuti edi lalaki ng mabuti.


may mga magulang kasi na kunsintidor na di dapat nila hinahayaan lang ang kanilang mga anak na matuto mula sa iba na nagtuturo ng kung ano anong klaseng kabababuyan.




so bakit nga ba ganito ulit ang mga bata ngayon?


parang nag Trend nga ito eh.




hay nako talaga, 


ang mga barbaryong mga bata, di na mapigilan. ika nga ang wawild.


parang galing sa boot camp nila Leonidas ng 300.


grabe talaga.






sabi pa naman sa isang kanta diba


"The children is our future, teach them well and let them lead the way, show them all the beauty they posses inside."


tama ang mga kabataan ay para sa ating hinaharap, turuan sila ng tama.


pero tanong ko...


nasaan na ang "beauty" ng mga batang iyon?


nabulok na yata.




habang patagal ng patagal, unti unti ng nauubos ang mga bata na may busilak ang kalooban.


kailangan na nga yata ng rapture.


di na ako magugulat kung makarinig ako ng balita na isang 3 taong gulang pinatay ang pamilya niya.




o siya,




aalagaan ko pa yung pamangkin ko,


mamaya barilin ako eh.

Friday, September 16, 2011

The train is tight, and the price will hike

The train is tight, and the price will hike.

Almost every human Filipino needs this.

This big metal thing that runs on electricity, fast like the buses in skyway which flies like an airplane and destroys the concretes of the most precious concrete of all.

This public transportation of which provides employees to travel fast and bring them to their destination safe.

This public transportation of which beats the traffic in the longest parking lot in the Philippines called EDSA.

Where even the infamous and famous rides this and becomes one with the people.

Where everyone is entitled to stand and tolerate the feeling that you feel like you are inside a can and smell the undried clothes of an another being, or even smell the armpits of their own race.

Thus it is called MRT. Every Filipino knows this.

I am one of the most common consumers of that fast and reliable train. No matter how many people goes inside i still ride this wheeled metal thing. Why? Because it is affordable and fast. Much cheaper than the bus. Much faster than the jeep. Much comfortable (sometimes, after rush hour) than a car.

Cheap... that is why people rides this thing. Why would you even ride a bus of which eats your time when you can ride the train of which saves you from being late?

The wonders of the affordability of the MRT is now deteriorating and even P'Noy can’t stop the price hike of this.

The cheapness is now gone, it’s like buying a diesel, so expensive that you need to get thrifty in a lot of things. Sometimes I wonder how will I even survive. With a salary that only covers my needs, and never my wants. With a salary that is so average that almost half of the Filipino population gets this amount of salary.

How will I even survive when every public transportation here in the Philippines will go up and never go down?

Because of this my 1 whole rice will become a half rice and my 8 siomais for my lunch will be replaced by 2 siomais just for my budget to fit.

Or maybe even buy a 1 whole rice and ask for a soup just to ease my hunger.

This shows only one Filipino saying:

"pag maigsi ang kumot, matutong mamaluktot."

Or

in English, when your blanket is short, learn how to curve.

Is that right? Now if you’ll excuse me I’ve got a train to catch.

Wednesday, August 17, 2011

Di makatarungang amoy

Sana may ganito sa Pilipinas


Itigil na yang RH Bill na yan, nakakabwisit na eh.

Yan nalang ang tuligsain natin.


Ang kung sinong may BO

Lalagyan ng asido ang kilikili.

Hustisya ang sigaw ng katabi ko,

bakit nga naman natapat pa sa ang isang malagubat na mysterio na puno ng pawis at amoy datu puti sa pagmumuka niya.

Napagmasdan ko kung paano ito dumikit sa pagmumukha niya,

Parang…

Sinampal siya ng demonyo na galing sa banyo.

Parang…

Nahulog siya sa isang Septik Tank (Kudos kay Eugene Domingo, ang ganda ng Ang Babae Sa Septik Tank at ang ganda ganda din ng katabi ko na si Emilie)

Parang…

Katas ng basura na binalot sa supot at isinampal sa kanya.

Parang…

Tinapalan siya ng basahan na puno ng suka.

kaawa awang nilalang.

Naranasan niyo na ba yan?

Lalo na pag umaga?

Sa MRT? Sa bus? Sa Jeep?

May nangangamoy na kaagad simula palang ng araw? Eh mukhang pauwi lang sila kaya di ko sila masisi.

Actually,

Hustisya din ang sigaw ko,

umagang umaga,

teka pre, naligo ka ba bago ka umalis?

kaamoy mo yung kalawang sa trike na nasakyan ko.

nagsisimula pa lang ang araw, amoy araw ka na.

ano na ba ang nangyari? hindi ba epektib ang ads ng safeguard sayo?

o

hindi ka lang nanonood?

Hindi ka ba nabibighani sa Wil Cologne ni kuya Willie?

o sadyang ignorante ka lang?

may ilong ka ba?

o sadyang wala ka lang pakielam?

Mukha kang walang love life sa itsura ng T-shirt mo na Love Hurts,

ewan ko, nakipag break ba sayo girlfriend mo? o wala lang talagang tumatagal sayo?


Di naman tayo amerika para di ka maligo ng tatlong araw ha?


tinalo mo pa yung kaibigan kong bumbay.

Ah grabe talaga,

Minsan hiniling ko nalang bumalik sa tiyan ng nanay ko eh, wag lang mamoy ang hayup mong amoy.


Pare,


Pang Cannes yang amoy mo.


Cannesorific.


o siya,


Maliligo pa ako.



nangangamoy... lalake na ako.

Friday, July 22, 2011

Wow pare chicks oh


Chicks

Chiks

Maraming klase ng chicks.

may mga Chicks na chicks.

may mga Matatabang chicks

may mga Simpleng chicks

may mga Nerd chicks

at marami pang iba

pero bakit nga ba tinawag na "chicks" ang mga babae, lalaong lalo na ang mga sexy at may mala bote ng coke ang katawan? pwede namang Coke o kaya Bote ang itawag sa mga sexy na babae na yun.

pero

bakit nga ba Chicks?

hindi ba nakakaoffend sa mga babae na konserbatibo ang tawagin silang "Chicks"?

pero diba nakasanayan nadin naman natin na tawaging chicks ang mga babaeng sexy. pero matatawag mo bang chicks yung mga pang biggest loser ang dating? yung tipong walo walo ang curves sa katawan ni ate at naka tube pa at nangingitim pa ang kilikili?

meron naman na konsepto na "maganda siya pero hindi siya chicks".

so pag sinabing chicks ka, medyo hindi karesperespeto ang dating?

malimit kasi ng sabihan ng chiks ay yung mga babaeng makikinis ang mga binti at malalaki ang kanilang mga hinaharap.


pero san nga ba nagsimula ang salitang Chicks?


ayon sa internet ang salitang chicks ay tinatawag na Spanglish na term na ang ibig sabihin ay "Chica"

ayun. pero diba prang ang conyo ng dating, pero kung ating susuriin ang chica nga ay talagang spanish na word na ang ibig sabihin ay babae.

pero maiba ako, may kaibigan ako, isang kagalang galang na babae ang pangalan niya ay Kathrine at meroon siyang theory

ito ay ang

CHASS theory.

kung saan kaya daw tinawag na chicks ang babae dahil sa kanilang malalaking puwetan. dahil ang mga manok ay malalaki ang kanilang mga puwetan. at sa kanilang pag lakad, may dating ito na medyo sexy ang lakad.


may sense ang theory na ito.

pero mabalik tayo, ang chicks ba ay para lang sa mga babaeng sexy at mala coke na bote ang katawan?

ikaw ba mahilig ka ba sa chicks?

marami ka bang kakilalang chicks?

kung babae ka, gusto mo ba na tinatawag ka na chicks?

at pag sinabi ba na chicks ka, ikaw ba yung tipo na haliparot na babae pwedeng maging karakter sa isang indie film na pang cannes?

yung karakter na Prostitute dahil yun naman ang laging misconception ng isang tao pag sinabing indie film diba?

ang indie film ay malimit may, bakla o bading, may konsepto ng kahirapan, mga pokp*k at kung ano ano pa.

masarap daw ang chicks,

Chicks

siguro pag nagkaroon ako ng girlfriend hindi ko siya tatawaging "chicks". ewan ko, wala naman kasi siyang pakpak o biik eh.

hay nako,

makahanap nga ng chicks at baka makajockpot pa ako. hihigupin ko muna yung sabaw niya saka ko kakainin yung chicks sa balut.

Sunday, July 17, 2011

Pila ng Inang Yan

"Patience is a Virtue"

ang virtue di ko alam kung ano yan. pero lagi ko yan naririnig pag nagaantay ako.


aminin natin, nakakapagod ding magantay.

tulad ng traffic.

mapapamura ka sa sobrang tagal.

kung hindi "mabagal" sasabihin mo "nakakainip" o kaya namay "Bulok na sistema"

Pila sa jollibee

Pila sa Mcdo

Pila sa CR

Pila sa Atm

Pila sa Banko

Pila sa NBI

Pila sa DFA

Pila sa Auditions

Pila sa Bar

Pila sa Komyunyon

Pila sa MRT

Pila sa Eat Bulaga

Pila sa Showtime

Pila sa Wiltime bigtime

Pila sa Puso mo..(ayeee)

Puny*ta ang nakakakinis pa dito ay yung maiipit ka sa mga anghit at malaimbornal na amoy ng mga katabi mo. Mabaho pa sa lahi ng mga naka motor na naka turban at nagbbenta ng DVD o kaya aalukin ka ng sirang elektrik fan na ang tatak ay AYWA.

naligo ka naman kanina

pero pag naipit ka na... goodbye my darling smell. Pakiramdam ko di na ako lalapitan ng mga dyosa na nahulog sa langit matapos kong gumamit ng Axe.

siyempre pag sinabi mong pila hindi mawawala yung mga hudas na mga sumisingit sa pila at pag sinita mo sila, sila pa yung agrabyado.

Tipong mga ganito:

Man1:“Brad dito ka nakapila? Kanina pa ako dito ngayon lang kita nakita!”

Man2:"Kanina pa ako dito, nagCR lang ako"

Man1:“umayos nga kayo ng pila niyo. sumingit lang kayo eh”

Man2: “eh kanina pa nga ako dito nagCR nga lang ako!”

Man1: P*t*ng*na mo ah! Kami dito nagpapakahirap pumila tapos ikaw sisingit lang??!

Singit.

kung hindi mabaho at maasim, eto yung mga nakakainis.

Parang kontrabida sa isang palabas. Alikabok sa bahay, libag sa leeg, asungot na propesor, salabaheng bata. At ayun na nga, ang mga asungot na di mawalawala sa atin. Ang mga singit.

Mapa jeep man o taxi, o yung nakakainis na driver ng motorsiklo sa gitna ng traffic, sisingit sila sa butas na masikip. Parang dragon na nakakita ng liwanag sa isang sulok, sisingit sila na parang walang bukas.

Pero aminin, sa tala ng buhay mo sumingit ka narin diba? Sigurado ako napangiti ka ngayun at inalala mo kung saang Jollibee o mcdo ka na pumila at sumingit dahil ang baga g nasa cashier, pero teka ang bagal pumili ng nasa harapan mo eh. Kulang nalang sabihan mo ng “tsong, may nakapila sa likod, ano ka? HARI?”

So mabalik tayo.

PILA

Kung ating hihimayin, ang pila ay isang salita na ibig sabihin ay “sumunod sa isang maayos na linya.”

Pwede din na acronym

PILA

Please Investigate Lines Ahead

O

Paki Ingatan ang Linya, Ayus?

O

Prevent Insanity, Line Across

O

Puny*ta Iayos ang Linya mga Abnoy!

O

P*ta Isang Linya lang, Assh*les

Akoy nagsisintimyento sa pila dahil naging biktima ako nito ng nakaraang mga araw at naubos na yata ang pasensya ko.

Kulang nalang mag ala Mr. Hyde ako sa inis.

Lalong lalo na sa NBI. O ang Nakanampuchang Bangis Ito.

Halos dalawang araw akong nakapila kasama ang 2 kong magagandang kaibigan (chiks sila), tapos malas ko lang ay may kapangalan pa ako. Mukang may kapangalan akong sindekato na nagbebenta ng Stones.

Kaya pinabalik pa ako matapos ang 7 araw. At akoy nakawitness nanaman ng pila.

Lahat tayo pumipila para maabot natin ang gusto natin, minsan iniisip ko nakanino ba ang problema?

Nasa atin bang mabubuting mamamayan na pumipila?

O

Duon sa pinipilahan natin?

O

Duon sa mga gamit nila kasi di hi-tech.

O

O unggoy lang yung nasa counter at sige lang ang pindot nito kaya antagal talaga.

Napakalaking misteryo pa din ang pila para sa akin.

So ano nga ba ang sulusyon ng pila?

Pumila ng maayos?

Pumila ng tahimik?

Huwag sumingit?

Sa Pila palang malalaman mo na kung ano ang ugali ng tao eh,

Mainipin ba ito

Masungit

Maarte

Tamad

Antukin

Lahat na. lahat na.

Alam niyo may pobya na ako sa pila eh.

Dahil nakakatrauma talaga yung sa NBI

Buti nalang sa ilalim ng lupa yun, kasi kung sa ibabaw siguro parang pinipritong itlog na ako.. ang oily pa naman ng nose ko. Parang golden fry.


o pano pipila pa ako.


mamaya may sara duterte sa pila at mabigyan pa ako ng Duterte Punch pag napagkamalang sumisingit ako.


pero eto ang ibibigay ko sa kanila


Sunday, July 3, 2011

Duterte Punch



Mayor Sara Duterte, kilabot ng Davao

1 - 2 punch.

solido.

parang Million Dollar Baby lang ang nakita ko last week sa balita.

"Duterte Punch"

defined as a 2 punch phenomena where in you will have the ability to bruise a sheriff in the eye and thus resulting in a black-eye.

minsan naisip ko di na uso ang diplomatic solution pag dating sa mga bagay na di magkaintindihan.

onting away sapak.
onting argumento sapak.
onting di pag kakaintindihan sapak.
onting shit sapak.
nakita mo mukha ni beiber, sapak.
nainis ka lang, sapak.
tumaas ang boses mo, sapak.

akala ko sila Congressman Manny Pacman Pacquiao lang at si Chuck Norris ang may karapatan na gawing punching bag ang mukha ng isang nilalang.

pero nagkakamali ako.

akala ko nga kung sinong bouncer yung nanapak dun sa lalaking naka polo na checkered eh, yun pala babae na brusko. magaling. nakalagay ang taya ko sa kanya.

jusko

halimaw sa banga eh.

akala ko si optimus at si megatron.

akala ko si goku at si majin boo

akala ko fight club.

akala ko UFC.

akala ko sabungan.

akala ko underground fighting in the Philippines

yun pala Political Fight Club

Duterte Punch, masarap na panakot sa mga nanakot sayo, pwede ng ipanakot to sa mga sindekato, o kaya sa mga nagbebenta ng pirated dvd sa quaipo.

wala na akong masabi pero natuwa lang ako sa sinabi ng idol kong si Lourd De Veyra

"Sana mas marami pang sapakan sa politika. Ang corny-corny na ng lecheng due process at rule of law na yan. Lagi na lang sinasabi, hindi rin naman nangyayari."

oo nga naman. oo nga naman. atlis dito may nagyari.

kudos Mayor. pag may onting problema gagayahin kita.

Sara Duterte : Tunay na Lalaki